Ms. Myra Oliva, Partner in Tax Department, 5 years in sevice awardee looks back at her journey in Sison Corillo Parone and Co.
Let’s hear it from Ms. Myra Oliva.

 “Ito ang aking karanasan na aking ibubuod sa limang punto  —— Isa hanggang Lima Simulan natin sa… Isa – Isa sa hindi ko malilimutan ay ang umpisa. Kung paanong sa unang araw pa lang ay napatanong ako sa sarili ko kung ang pinasok ko ay tama ba. Naalala ko ang simula, kung paano ako tinanong ni Madam Greta kung nainterview ba kita? Nainterview ka ba ni Sir Neil? At kung paano ako kinabahan na baka sa unang araw ko pa lang, trabaho ako ay mawalan. Naalala ko ang bawat eksena, kung paano ako biglang naibala sa kliyente ng walang kaaalamalam. Ngunit sa kabila ng lahat, ito ang naging umpisa kung bakit ako nandito at naririto pa. Dalawa – Minsan narin akong nagdalawang isip kung mananatili pa ba o hindi na.

Simple lang naman ang aking hangarin noong una, ang magamit at masulit ang mahigit sa apat na taon kong pinag-aralan. Tatlo – Pagsapit ng ikatlong taon, madaming pagbabago. Pagbabago ng hangarin. Pagbabago ng saloobin. Panahon na naranasan kong masaktan at maiwan, pero sa kabila ng sakit natutong bumangon at humarap sa susunod pang mga hamon. Apat – Apat na aspeto ng buhay ko ang halos bumigay: pisikal, mental, emosyonal at pinansyal. Ngunit hindi ito sa akin nagpasuko, patuloy lang ako kung saan ako patungo hanggang sa ako’y lumago. Hindi alintana ang bawat hirap. Patuloy na lumalaban sa kinabukasan kong inaasahan. Lima – Sa loob ng limang taon, marami akong natutunan at patuloy na natutunan. Di alintana ang bawat hirap na nararanasan, pagkat alam kong hindi ako mag-isa sa laban. Salamat sa lahat. Salamat sa mga taong naniwala at patuloy na naniniwala. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako ngayon dito na nagsasalita sa inyong harapan. 

Limang taon man ang lumipas, marami mang naranasan at liko likong napagdaanan, heto pa rin ako nagaabang sa mas higit pang kaganapan. Hindi lang para sa akin, kundi sayo at sa pangkahalatan. At hindi pa. Hindi pa tapos ang laban, marami pa tayong matututunan. Huwag kang matakot masaktan at madapa. Tumayo ka at tumingala. Hindi ka nag-iisa. Marami kang kasama.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *